Friday, October 07, 2005

Nakakapraning sa US...

Hay..napra-praning na ata ako.Just today..i got to create these two poems. Na-ho-homesick na ba ako?!Hahaha. Enjoy reading and please leave a comment if you agree or disagree...

MISS KO NA ANG PINAS

Start: 10/06/05 6:27pm

miss ko na ang fishball
miss ko na ang BIG BOWL
miss ko na ang matamis na icetea
habang nanunuod ng teleserye

miss ko na sumakay ng jeep
miss ko na ang traffic
miss ko na panahong mainit
pati mga kalsadang lubak at pangit

miss ko na ang spaghetti sa jollibee
miss ko na ang chichen sa KFC
miss ko na Ribs sa Kenny
Pati chopseuy sa Kingbee

nakakamiss yung maingay na mga sasakyan
nakakamiss yung mailaw na kalsada
nakakamiss yung mga tambay sa kanto
pati yung mga maingay na lasenggero

kahit pala magulo sa pinas
kahit pala maingay sa pinas
kahit pala madumi sa pinas
masaya pa rin sa pinas...

Hay...

End Time: 7:07pm

============================================================

Sa US...

START: 10:19pm

Sa US maganda mga highway
Sa US maayos ang Traffic
Sa US masarap mag long drive
pero walang husband na magwe-welcome pag uwi ko ng bahay

Sa US magaganda ang mga bahay
Sa US magagara ang mga sasakyan
Sa US uso ang pagbati ng "Hi", "Hello"
pero normally don't care ang mga tao

Sa US madaming trabaho
Sa US mabibili ang mga luho
Sa US may tissue mga banyo
pero sa US, madami ding di naliligo

Maganda ang US
Maayos ang US
Malinis sa US
pero Malungkot din sa US...

END: 10:35pm

2 comments:

Dorothy said...

sister, im sure heto pa ang mga nami2s mo sa pinas....

sari-saring hopia flavors ng eng bee tin;
shopping at divi, tutuban & bldg 168;
nakakalokang panahon, araw sa umaga, ulan sa gabi;
simoy ng hangin (kahit na polluted) pero amoy mo na ang pinoy xmas in the air!

dami pa pero...

pinaka nami2s mo sa lahat... ang ASAWA mo!

hurry home sis. safely. :)

edrei said...

hi ella...just bloghopped from marla. i noticed you miss matamis na iced tea. kami rin ni h2b, we discovered something though, kalamansi concentrate! we mix nestea, kalamansi concetrate & iced water...and voila! MANILA ICED TEA!