So ito na start ng kwento ko of our Labor Day gimik. The initial plan was to go Grand Canyon, Vegas and L.A. but this had changed due to some unexpected event.
We went home early friday night. We plan to leave San Jose at 830pm but 9:30 na kami nakaalis. May mga pasaway kasi. Apat lang kami and I am the only girl. Pinaalam ko ito kay Ariel and ok lang sa kanya. He wanted me to enjoy my stay here. Una ako sa sinundo then yung isa, medyo matagal kami dun kasi may conference pa with her "mama". Then sundo naman namin yung isa-madali lang ito. Before we go, grocery muna kami ng ibang kailangang dalhin.
We had used the Expedia Map. Nung, paalis medyo gising pa diwa namin. Kulitan, wento wento, tsismis-mga kalalaking tao tsismoso. Hahaha. Mga 2pm slip na kamng dalawa sa likod. Hirap matulog sa kotse. Hirap humanap ng position. Konti pa lang tulog ko then at 430, ginising na kami. Palit naman. Ako na navigator tas yung isa naman yung driver. Maganda teamwork namin but nung dumating na kami sa route 66 as per the map medyo naguluhan na kami. Nawala kami. Napunta kami sa parang ghost town na puro old english man ang tao. Parang place ng mga cowboy. Nilagpasan pa namin yun kasi natakot kami magtanong. Bka nandi-discriminate sila or baka barilin na lang kami ng mga cowboy dun. That was at 730am. Sarado pa mga establishments dun. Pero bilid ako. Ang layo sa kabishasnan pero meron silang ATM machine. Grabe! Dumiretso lang kami pero nung parang wala na kaming nakikitang patutunguan, sugal na kami, nagtanong na kami. 2 lang ang bumaba, asked sila sa dun sa matanda, ang sama ng tingin sa kanila . Racist yata. Hmmp. Pero at least sinabi nila na mali yung daan namin. So balik kami sa nakakatakot na daan. Bangin-bangin. Grabe. Buti madami kaming gas. See below pix of the ghost town-like na napuntahan namin (ROUTE66).
Dahil dito mga 4 hours din nasayang namin. Nagtanong-tanong kami sa GAS station. Buti merong old lady na nakapagsabi ng tamang way to Grand Canyon. Thanks God. Kahit about 200 miles away pa kami.
Antok na ko nun kaya nakatulugan ko yung driver. Ang bait kong navigator no?! Gumising din naman ako nung malapit na kaming exit sa Hway 40. 1 hour din ata ako nakatulog. Hahaha.
Wednesday, September 14, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment