Saturday, June 03, 2006

The Interpreter...

Hi. Medyo ok na me ngayon coz I got this interpretation from my friend. Hindi sya dream interpreter... engineer sya ..pero may talent..hehehe.. please read...

Hearing music at night..wala yan..masaya ka lang sa buhay mo in general. tsaka marami ka lang talagang thoughts na pinapasok sa subconscious mind mo kaya masyado kang nagiging sensitive sa outside stimuli.

Sa tingin ko mababaw ang tulog mo kasi bothered ka. Maraming naglalaro sa subconscious mind mo na nagca-cause para i-tap nya ang conscious mind mo..therefore nagigising ka. Absolutely nothing to do w/ exorcism yan noh.

About the airplane dream...pwede mo i-relate yng airplane sa pag-aaral mo magdrive. In your dreams nagcrashed yng plane pero nakatakbo ka and d naman kayo natamaan or nasaktan. Crashing of the plane can be related to your fear na mabangga or makabangga...anything that has something to do w/ car accident that you might encounter kapag mag-isa ka nang nagda-drive. You see..sabi mo nakatakbo...meaning..you actually know what you should do to avoid the "accident" na kinakatakutan mo. Plane cut in half... Isipin mo nasa gitnang lane ka habang nagda-drive ka...I think you're very conscious at takot kapag nasa ganito kang posisyon ka pagnagda-drive. yun lng yun...nahati sa gitna represents you na nagda-drive sa gitnang lane..isa na naman sa mga fears mo na naglalaro sa subconscious mind mo. Yng baby naman...I guess aminin mo man or hindi eh medyo you're having thoughts na rin about having a baby. Maybe iniisip mo na nagkaka-eded ka na (peace tayo ha!) and kailangan mo na magka-baby or maybe you're thinking na gusto mo na sana ng baby kaya lang may mga bagay-bagay ka na iniisip (financial maybe or paano..sino mag-aalaga etc) sa baby nyo pag dumating na sya...basta...yng part na d mo alam kng sino yng baby..or d mo makita kng ano itsura nung baby symbolizes yng mga fears mo of having your baby. You're carrying a baby symbolizes your desire to have one.

Yng asong umaalulong...takot ka lang mag-isa. This time it has nothing to do sa driving mo. Natatakot ka coz this is the first time na mag-isa ka (though si Popoy nandyan) sa bagong bahay nyo. Syempre konti pa nakatira dyan tapos d mo pa kilala masyado mga tao sa inyo and d ka pa sanay siguro talaga sa paligid mo. Dba yng alulong ng aso eh parang pananakot na hala..mag-isa ka may multo...Sa case mo nga, takot lng yun na mag-isa sa bahay. Yng multo..syempre d totoo yun eh takot mo sa masasamang tao..pwedeng magnanakaw or what na iniisip mo pano pag may nakatiktik na wala yng man of the house baka may gumawa ng hindi maganda sa inyo etc..

Advise: Tigilan mo na kakaisip mo ng kung anu-ano. Hindi nakakatulong ang sobrang pag-iisip ng problema or ng kinabukasan. Take each day just as it is. Learn to let go of your fear. Daanin mo sa dasal lahat ng desires mo sa buhay and most especially lahat ng mga worries mo. Try mo gawin...before ka matulog, dasal ka ng personal...hindi yng mga dasal na tinuturo sa atin ng church. Dasal na actually kinakausap mo lang si God. Kwento mo buong araw mo sa kanya..ano yng hindi magandang nagyari..ano sana gusto mo. Pwede ka umiyak habang ginagawa mo yan kapag naiinis ka or masama loob mo. Basta...ilabas mo lahat ng thoughts mo before sleeping through this prayer. Pwedeng nakahiga hanggang sa makatulog ka. Ganyan ako lalo na kapag naba-bad trip ako... nakakatulugan ko na sya pero paggising mo naman magaan na pakiramdam. Parang nawala na nga yng bigat nung iniisip mo. Ngayon..kung medyo diskumpyado ka pa rin baka nga may mumu o kng ano dyan sa bahay nyo...magbudbod ka ng holy water. Ganyan ako sa Taiwan...buong bahay winiwisikan ko ng holy water para sigurado. hehehe..dami kasi nilang kng anu-anong kwento ng kababalaghan dito eh. Pero ak, ni minsan hindi ko sya naramdaman. Meron ingay lang pero d ko nararamdaman yng takot. So I guess it works na nagwisik ng Holy water. hehehe..libre naman holy water...


ok ba?

Also, got this advise from a newbie friend.... this is also enlightening...

Hi Ella,

I don't know how to interpret dreams and don't even know anything about exorcism. But if this is really bothering you, try praying to God about it. Tell Him everything you feel, you dreamt of, you hear, you sense and ask for His protection on your family and ask Him to give you peace of mind. Everytime you wake up in the middle of the night and couldn't go back to sleep, pray to Him. Pray and trust God. I'd like to share this passage to you in Philippians 4:6-7 "Don't be anxious about anything, but in everything by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. And the peace of God, which transcends all understanding will guard your hearts and your minds in Christ Jesus."

Sherri

Well.... i will keep on praying coz it will be my strength...

No comments: