Thursday, November 29, 2007
Torn
Have heard the news today about Trillianes group and I am having a mixed emotion. You can call what you want to call me but I don't know the real score or the true story. I am not aware of what Trillianes group are fighting for.
All I can say is that... recently.... I was happy hearing that Philippine economy is booming. Investors are coming in. And this would mean... more jobs to our unemployed countrymen.
Tagalugin ko na.... Nakakalungkot makita na marami tayong mga kababayang naghihirap. Akala ko tuluy-tuloy na ang ating pag-unlad... di man natin mabalik ang dating palitan ng dolyar. At least maitaas naman natin ng kaunti ang halaga ng piso. Ang pinakamababang palitan ng dolyar na aking naaalala ay $1=7php. Malayong malayo na ang ibinaba ng piso. At di ko alam kong paano ako makakatulong sa bansa para gawing stable man lang ang halaga nito. Ngunit ang mga pangyayari ngayon ay sigruradong makakaapekto nito.
Sari-saring reaction ang naririnig ko.Pero mas marami ang natutuwa. Hindi dahil sa may ipinaglalaban sina Trillianes kundi dahil makaka-apekto ito sa halaga ng Piso. Marami sa atin ang may hawag na dolyares pero.... andito tayo sa Pilipinas. Bahagi tayo nito. Kapag bumaba ang piso... apektado tayo.
Kami ng asawa ko ay empleyado sa isang American Company. May mga benepisyo kami na nakukuha na naka-dollar. Kaya... diko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang mga nangyayari. Pero mas malaking bahagi ng katauhan ko ang....nalulungkot....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment